akala ko hanggang don na lng talaga, akala ko di na kami magkikita,
akala ko tapos na ang lahat,pero talagang mapag biro ang tadhana
gagawa at gagawa sya ng way para makausap at makita mo yung tao
na sa akala ko ay di ko na makikita............
paano ko ba makakalimutan ang isang tao na naging bahagi ng buhay
ko since dumating ako sa bansang taiwan. isang tao na sa unang araw
pa lang ng aming pagkikita eh nakaramdam ako ng kapanatagan sa
aking dibdib. sya ang nagturo sa kin ng maraming bagay tulad na lng
kung paano magsalita ng kanilang lengwahe, kung paano gumamit ng
mga karaniwang bagay na ginagamit nila sa pang araw araw.... na sa
pinas ay di ko nakita at nagagamit, sya rin ang naging daan upang
makilala ko pa ang ibang trabahador sa kompanya na aming pinagta
trabahuhan, kasama sama ko sa gimikan at naging karamay ko rin pag
minsan na me dagok na dumarating sa king buhay.
pero me time talaga na kahit anong lapit na sa isa't isa eh kailangan
maghiwalay pa rin sa mga kadahilanang..... oppsss di po yan lalaki sa
buhay ko, isa syang matalik na kaibigan na kahit magkaiba kami ng
salita, kultura at bansang kinalakihan eh nakakasundo ko sa maraming bagay.
para sayo to...

simple lang naman, ang aking pangarap
tulad ng magtrabaho, at kumita ng sapat
subali't biglang, nabago ang lahat
tama nga ba o hinde, ito ba ang nararapat
napadpad ako, sa bansang TAIWAN
pilit na iniwan, bansang sinilangan
dito'y may nakilala, na isang kaibigan
isa syang dalaga, SHAWON ang pangalan
sa unang pagkikita, ako ay naaalangan
natatakot lumapit, baka di magkaintindihan
biglang sambit nya kain, salamat at mahal kita
sa kanyang tinuran, ako'y nabigla at natuwa
nagkasundo kami , at ako ay nasanay
sa lahat ng gawain, at pag kain ng sabay
pag oras ng pahinga, lagi kming kwentuhan
kaya lengwahe nila, ay aking natutunan
ngunit isang umaga, ako ay nabigla
sa narinig kong balita, na sya'y mag reresign na
madaming tanong, at mga haka haka
kung anong dahilan, ay itatanong ko pa
pagkakita ko sa kanya, ako ay lumapit
tinanong ko sya, anong dahilan at bakit
bigla syang humikbi, at nagsalitang pilit
at nang malaman ko, ako ay napapikit
ang aking kaibigan, ay umibig na pala
sa isang lalaki, kailan lng nakilala
ibinigay ang lahat, halos di na nagtira
kaya pala sya mag reresign, dahil sa dinadala
ginawa ko yan tulang yan para sa kanya wala syang closure kase di
na kmi nakapag usap ng ayos basta nawalan na lng kmi ng communication
bigla syang nag resign at ako naman halos 1 year nag stay ng PILIPINAS.
pero pag balik ko dito halos more than a year na rin akong nag stay at wala
pa rin akong balita sa kanya, until makita ko yung isang common freind namin
kinuha ko agad yung cp # nya then call ko agad , tapos nagkita kmi di magkamayaw
na kumustahan tapos na meet ko ang husband nya at nagulat ako kc ang laki
na ng anak nya...grabe ang saya ko sarap pala ng pakiramdam pag yong tao na naging
parte ng buhay mo eh biglang nawala tapos sa tagal ng panahon eh muli mo syang
makikita. at sa pag uusap namin pinasalamatan ko sya sa lahat lahat ng ginawa nya
para sa akin. salamat freind and HAPPY BIRTHDAY TO YOU.....
***************************************************************
sa nga po pala bago ko makalimutan gusto ko lng po pasalamatan si POPE
sa pagbibigay nya sa kin ng award na naidikit ko na sa may gilid ng aking blog.
maraming maraming salamat po sa mga bumibisita dito sa aking munting
tahanan, bukas po ang pintuan ng tahanang ito para sa inyong lahat..
MARAMING SALAMAT AT GOD BLESS YOU ALL......