Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

ANGEL...

Anghel ka na walang pakpak
nasa lupa ay laging nakaapak
budhi mo ay bumubusilak
ganda mo'y parang isang bulaklak

Narito ka sa lupa
upang bantayan ang mga bata
dahil sa takot na mapahamak sila
di iniwan kahit isang saglit pa

Ginto ka sa aking paningin
dahil sa ganda ng yong mithiin
may puso kang naninimdim
pag buhay ko ay dumidilim

Ehemplo kang tunay sa akin
kabaitan mo'y dapat gayahin
sa kapwa ay laging matulungin
kaya nararapat na ikaw ay purihin

Lagi ka sa aking isipan
kabutihan mo ay di malilimutan
sanay wag mo akong iwan
at lagi mo akong alagaan

HIMIG NG DAMDAMIN

matagal ng nangyari, gusto ng kalimutan
isang pag ibig, na panandalian
maraming panahon, na pinaglalabanan
bakit ba ang puso'y, hirap turuan

magmahal ba ng mali, ay isang kasalanan
di man ginusto, pero natutunan
pilit mang itama, pero ayaw tantanan
kaya ang puso'y, laging sugatan

pagtingin sa langit, kay daming bituin
bakit ang buhay, ay parang kay dilim
napakabigat dalhin, sa damdamin
ngunit kinakailangan, ito ay pigilin

kay hirap sa dibdib , ang dinadala
lalo't nakaraan, ay naaalala
pilit nililimot, at inaabandona
ngunit kahit anong gawin, wala paring kwenta

parang isang ibon, sa loob ng hawla
gustong lumipad, pero di makaya
di alam ang gagawin, upang makalaya
para makamtan muli, ang tunay na ligaya

LIBANGAN.....

naging hilig ko talaga, ang magchat sa Y.M.
sa sobrang kaadikan, umaabot nang 3 A.M.
dahil nalilibang, sa daming nagpi P.M.
kaya kinabukasan, mata ay nangingitim

isa pa ang pocketbook, na aking kinahiligan
pag naumpisahang basahin, ayaw nang tigilan
kahit pa umabot, nang magdamagan
lalo na't ang istorya, ay sa nag-iibigan

may mga panahon, ako rin ay nagsasawa
na halos araw araw, yon lagi ang ginagawa
ngunit walang pagpilian, upang di tumunganga
nakakasawa man, pero wala akong magagawa

minsan narinig ko ang BLOG, sa isang kaibigan
tinanong ko ang ibig sabihin, pati na rin ang panuntunan
gusto kong gumawa, pero di ko alam paano umpisahan
sinabi ko sa kanya, at ako ay kanyang tinuruan

nakagawa ako, nang sarili kong tahanan
nagkaroon akong muli, nang bagong libangan
dito'y napapagana ko, ang aking isipan
at nakakakilala pa, nang mga bagong kaibigan

sa mundo nang BLOG, lahat ay pwedeng gawin
pwede akong magsulat, nang bawat naisin
pwede kong ipakita, ang nilalaman ng damdamin
pwede ko ring sabihin, ang mga naging suliranin

sa mundo nang BLOG, lahat ay pare pareho
walang mahirap mayaman, matalino at bobo
basta marunong ka lang, makisama at makihalubilo
at ang pinakaimportante, ay magpakatotoo

di ko akalaing, ako pala ay may talento
marunong pala akong gumawa, ng tula at kwento
kahit na minsan, ay walang nag kokomento
basta ang mahalaga, nagawa ko ang aking gusto

ikinararangal ko, ang maging isang BLOGISTA
ipagsisigawan ko, saan man ako magpunta
kahit sabihin man nila, dito wala akong kita
pagkat di mababayaran, ang nakukuha kong saya

PARA SAYO INAY.....

ikaw ang nagbigay, sa akin ng buhay
iyong pinakita, ang mundong makulay
hinubog pinalaki, inalagaang tunay
boung pagmamahal, sa akin ay inalay


maaga kang iniwan, ng aking ama
dahil sa sakit, na ikinamatay nya
di ka nanghina, o nawalan ng pag asa
dahil alam mo, na sayo'y may umaasa


dalawang papel, ang yong ginampanan
naging ina at ama ka, ng ating tahanan
pilit kinaya, at pinaglabanan
ang hirap na dinanas, pati na rin kalungkutan


lahat ng hirap, iyong tiniis
maibigay lang, ang aking nais
kahit kung minsan, ikaw ay naiinis
pilit pa ring pinapakita, ngiti mong kay tamis


wala kang katulad, o aking ina
dito sa aking puso, sadyang nag iisa ka
kahit sa ngayon, di tayo magkasama
lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita


happy mothers day..............

HUWAD........

malayo tayo, sa isa't isa
ngunit pinaglapit, at pinagkilala
napasarap sa kwentuhan, oras ay di namalayan
sa haba ng usapan, tayo ay nalibang

sa halos araw araw, tayo ay nagkikita
sa pamamagitan, nang isang tekolohiya
doon ay naririnig kita, at namamasdan pa
kaya't di nagtagal, sayo'y umibig na pala

lumipas ang araw, di ka nakatiis
di napigilang, isiwala't ang nais
kahit nangangamba, na mabasted ko pa
nguni't laking tuwa, ng ikaw ay pumasa

naging maganda, ang ating pagsasama
kahit layo natin, ay sadyang milya milya
natutong mag isip, ng plano at pangarap
para pag handaan, ang ating hinaharap

ngunit ang akala ko, ang lahat ay ayos na
di ko akalain, na may katapusan pala
bigla kang nawala, iniwan akong nag iisa
sa anong dahilan, di sana ako umasa

masakit sa akin, ang yung ginawa
nang dahil sayo, puso ko'y nasira
nagpaloko ako, sa matamis mong salita
isa ka palang "HUWAD " na nilalang ng madla.

MAYO UNO.......

MAYO UNO.......






ano bang meron sa araw na ito?


isa lang naman tanong na alam ko na kahit sino sa atin eh alam ang kasagutan.
ito ang kaarawan ng katulad kong isang manggagawa, na minsan sa isang taon eh
ginagawang pahinga ang araw na ito.

ano ba ang karaniwang ginagawa sa araw na ito?


ang ibang manggagawa eh nagsasama sama sa isang lugar nagba-bonding o di kaya
eh nag pupulong tungkol sa kanilang mga organisasyon or samahan, yung iba nman
eh umuuwi sa kanilang pamilya dahil pagkakataon na nila para makasama. at yung
iba eh pumapasok kc me kailangang tapusin pero overtime pay naman, kung iisipin
natin isang araw lang to pero pwede tayong maraming gawin.

ako! ano ba ang dapat kung gawin sa araw na ito?


as of now wala pa ko naiisip kung ano ang dapat kung gawin kase di ako naka prepare
kc kahapon di pa sure if me pasok kami or wala, marami kase akong nadidinig na baka
daw ipampalit araw yon ng sataurday kc ipit na araw. but at the last min. nagbago ng
isip ng mga bossing namin at ginawang 3 days ang bakasyon namin so in other words
monday na ang balik namin sa work. syempre masaya ako ng nalaman ko yung news
na yon kc bakasyong engrande na naman, pero panandalian lng ang sayang yon kase
biglang naisip ko ano bang ikinabuti ng 3 araw na walang pasok. yes makapagpahinga
nga ako ng 3 days pero pero me kulang pa rin andon yung lungkot, kc wala naman ako
sa PINAS para gawin yung mga nasabi ko sa taas. sarap sana kung andon ako, pwede
akong umuwi sa pamilya ko at makipag bonding sa loob ng 3 araw na bakasyon, pag
naiisip ko ang hirap talaga ng malayo sa kanila, pero ito talaga yata ang kapalit ng medyo
konteng malaking kita kailangang mag sakripisyo. pag naiiisip ko nga yong dati na sa
PINAS pa ko nag tatrabaho maliit lng ang kita tama lng sa pang sarili pangangailangan,pero doon alam ko masaya ako kc nga nakakasama sila sa mahahalagang araw ng buhay ko, kaya lang we need to face the reality na hindi kami pwedeng magsama sama dahil sa hirap ng buhay sa atin. kaya eto ako now..... isa sa mga OFW na nakikipag sapalaran para sa pamilyang umaasa sa akin.


actually di ko naman pinagsisisihan kung naging isa akong manggagawa sa ibang bansa,
thankful nga ako kase malaki ang naitutulong nito sa akin at maging sa family ko, naibibigayko ang kanilang mga needs, at simula ng maging OFW ako marami ng magagandang bagay nabago sa life ko. at bago ko nman na achieve yon eh dumaan ako sa maraming sacrifices,hirap kung paano mapalayo sa pamilya, hirap ng pag me sakit eh walang mag babantay or mag aalaga , hirap ng pag me dumarating na dagok sa buhay eh walang makapitan.minsan nakakaranas ako ng sobrang homesick at gusto ko ng umuwi pero di pwede kciniisip yung pamilya na umaasa.


hirap talaga at alam ko isa lang ako ang me ganitong karanasan, marami na at darami
pa ang makakaranas kase madami pa rin ang umaalis sa ating bansa para makipag
sapalaran dahil sa hirap ng buhay, at good luck na lng sa kanila sana maging maganda
rin ang kanilang mapuntahan..

para sa lahat ng OFW........


kay hirap pala, ang mangibang bansa
lalo't di sanay, mawalay sa pamilya
lagi mo silang, iniisip at inaalala
kung sa paglisan mo, paano na sila


ayaw man natin, sa kanila'y lumayo
nguni't sa hirap ng buhay, tayo ay humayo
upang makatulong, sa kanilang kailangan
di natin alintana, ang kahihinatnan


sa pagsapit natin, sa bansang banyaga
para tayong nangangapa, na tila tulala
natatakot, nag aalala o di kaya'y nangangamba
kung anong buhay ba, sa atin ay nakaamba


pagsapit ng unang, araw sa trabaho
di natin alam, kung pano makihalubilo
dahil sa ibang lengwahe, at estilo
nag tyaga na lang tayo, sa mustra at alerto



hirap ng trabaho, ay di natin alintana
para lng kumita, nang sapat at tama
upang sa pamilya, ay may ipadala
nang kahit paano, sila'y guminhawa


sabi nila, tayo'y isang bayani
dahil sa hirap, at sakripisyong nangyari
ngunit para sa kanila, lahat kayang tiisin
maibigay lamang, ang bawat naisin



siguro nabasa nyo na yang tula na yan kc na eh post ko na yan dati, pero
inulit ko para pag nabasa nyo ang entry ko sa araw na ito ay maramdaman
nyo kung gaano kyo kaimportante sa mundong ito..di lang tayo isang bayani
para sa ating pamilya kung hindi bayani rin tayo sa ating bansa.
para sa lahat ng tulad kong manggagawa, saan mang lugar mapa PINAS or
abroad man....saludo ako sa inyo.

mabuhay tayong lahat........at pag palain tayo ng poong maykapal.

Nagkatagpong Muli.........

akala ko hanggang don na lng talaga, akala ko di na kami magkikita,
akala ko tapos na ang lahat,pero talagang mapag biro ang tadhana
gagawa at gagawa sya ng way para makausap at makita mo yung tao
na sa akala ko ay di ko na makikita............

paano ko ba makakalimutan ang isang tao na naging bahagi ng buhay
ko since dumating ako sa bansang taiwan. isang tao na sa unang araw
pa lang ng aming pagkikita eh nakaramdam ako ng kapanatagan sa
aking dibdib. sya ang nagturo sa kin ng maraming bagay tulad na lng
kung paano magsalita ng kanilang lengwahe, kung paano gumamit ng
mga karaniwang bagay na ginagamit nila sa pang araw araw.... na sa
pinas ay di ko nakita at nagagamit, sya rin ang naging daan upang
makilala ko pa ang ibang trabahador sa kompanya na aming pinagta
trabahuhan, kasama sama ko sa gimikan at naging karamay ko rin pag
minsan na me dagok na dumarating sa king buhay.
pero me time talaga na kahit anong lapit na sa isa't isa eh kailangan
maghiwalay pa rin sa mga kadahilanang..... oppsss di po yan lalaki sa
buhay ko, isa syang matalik na kaibigan na kahit magkaiba kami ng
salita, kultura at bansang kinalakihan eh nakakasundo ko sa maraming bagay.

para sayo to...


simple lang naman, ang aking pangarap
tulad ng magtrabaho, at kumita ng sapat
subali't biglang, nabago ang lahat
tama nga ba o hinde, ito ba ang nararapat


napadpad ako, sa bansang TAIWAN
pilit na iniwan, bansang sinilangan
dito'y may nakilala, na isang kaibigan
isa syang dalaga, SHAWON ang pangalan


sa unang pagkikita, ako ay naaalangan
natatakot lumapit, baka di magkaintindihan
biglang sambit nya kain, salamat at mahal kita
sa kanyang tinuran, ako'y nabigla at natuwa


nagkasundo kami , at ako ay nasanay
sa lahat ng gawain, at pag kain ng sabay
pag oras ng pahinga, lagi kming kwentuhan
kaya lengwahe nila, ay aking natutunan


ngunit isang umaga, ako ay nabigla
sa narinig kong balita, na sya'y mag reresign na
madaming tanong, at mga haka haka
kung anong dahilan, ay itatanong ko pa


pagkakita ko sa kanya, ako ay lumapit
tinanong ko sya, anong dahilan at bakit
bigla syang humikbi, at nagsalitang pilit
at nang malaman ko, ako ay napapikit


ang aking kaibigan, ay umibig na pala
sa isang lalaki, kailan lng nakilala
ibinigay ang lahat, halos di na nagtira
kaya pala sya mag reresign, dahil sa dinadala



ginawa ko yan tulang yan para sa kanya wala syang closure kase di
na kmi nakapag usap ng ayos basta nawalan na lng kmi ng communication
bigla syang nag resign at ako naman halos 1 year nag stay ng PILIPINAS.
pero pag balik ko dito halos more than a year na rin akong nag stay at wala
pa rin akong balita sa kanya, until makita ko yung isang common freind namin
kinuha ko agad yung cp # nya then call ko agad , tapos nagkita kmi di magkamayaw
na kumustahan tapos na meet ko ang husband nya at nagulat ako kc ang laki
na ng anak nya...grabe ang saya ko sarap pala ng pakiramdam pag yong tao na naging
parte ng buhay mo eh biglang nawala tapos sa tagal ng panahon eh muli mo syang
makikita. at sa pag uusap namin pinasalamatan ko sya sa lahat lahat ng ginawa nya
para sa akin. salamat freind and HAPPY BIRTHDAY TO YOU.....


***************************************************************
sa nga po pala bago ko makalimutan gusto ko lng po pasalamatan si POPE
sa pagbibigay nya sa kin ng award na naidikit ko na sa may gilid ng aking blog.
maraming maraming salamat po sa mga bumibisita dito sa aking munting
tahanan, bukas po ang pintuan ng tahanang ito para sa inyong lahat..

MARAMING SALAMAT AT GOD BLESS YOU ALL......

Salamat........


salamat andyan ka, palagi sa aking tabi

di umaalis, mapa araw o gabi

lagi kang nakabantay, sa aking ginagawa

pagka't di mo hahayaan, ako'y mapariwara

salamat sa pagmamahal, na binibigay mo sa akin

maging sa kabutihan, na iyong angkin

kahit minsan ako'y, namamali ng gawa

laging nakahanda, kamay mong pinagpala

hirap at pasakit, ang yong dinanas

dugo at pawis, ay di alintana

para mga anak, ay matubos sa kasalanan

iniisip mo palagi, kapakanan ng sanlibutan

salamat ama, sa buhay na bigay

alam kong dahil sayo, kaya ako'y nabubuhay

sanay patuloy mo, akong gabayan

upang sa kapwa ko'y, makagawa ng kabutihan

Mahal kong Lola......

ako ay lumaki, sa poder ni lola
dahil nag punta sa abroad, ang aking ina
di naman pwede, sa aking ama
pagka't bata pa lang ako, sya ay pumanaw na

tandang tanda ko pa, ng ako'y iwan sa kanya
mag wawalong taon, at nasa ikalawang grado na
pag ako ay pumapasok, inihahatid pa
at pag sa uwian, sya ay nakaabang na

sinubaybayan nya, ang aking paglaki
inaalagan, at iniintindi
pag ako'y may sakit, di umaalis sa aking tabi
naghihintay sya, hanggang sa ako'y bumuti

lumipas ang taon, at ako' y nagkaisip na
mayroon akong tanong, na gustong ipasagot sa kanya
bakit ang aking ina, ay di ko nakasama
ba't ako lumaki, ng walang balita sa kanya

alam kong di sya handa, sa aking katanungan
pagka't di nya masagot, at napaghandaan
kailangan nyang mag isip, ng konting kasinungalingan
para di ako malungkot, at sa huli'y masaktan

ang kanyang pag mamahal, sa akin ay ipinaramdam
upang sa aking ina, di ako magdamdam
lahat ng pagkukulang, ay kanyang pinunuan
para pagdating ng panahon, tampo ko ay malimutan

lumipas ang maraming taon, umuwi na ang aking ina
gusto nya akong kunin, upang makasama
di ako makapagdesisyon, kaya ako'y nag isip muna
nguni't sa bandang huli, ako ay pumayag na

kay sarap pala, nang buo ang pamilya
iba pala ang pakiramdam, pag magkakasama
may nanay na ako, bunso ate at kuya
at mayroon pa akong, mapagmahal na LOLA


----------------------------------------------
ang tulang ito ay inihahandog ko sa aking mahal
na lola, kahit pumanaw ka ng wala ako sa tabi mo
sana kahit saan ka man naroon maramdaman mo
na mahal na mahal ka ng paborito mong apo.

Hiling

dumaan na naman, ang kaarawan ko
noong ika katorse, buwan nang Pebrero
nag prepara ako, ng konteng salo salo
dumating ang bisita, me dalang regalo

ang unang regalo, ay isang keyk na may keso
galing sa aking kapatid, at kasamahan ko dito
at nang binuksan, sinindihan ang kandila nito
pilit na pinahipan, pag katapos pinag wish pa ako

gusto nilang malaman, ang aking kahilingan
ngunit di ko sinabi, sinarili na lamang
masyadong personal, at di pwedeng ipaalam
dahil baka di mangyari, kahit sa panaginip man lang

simple lang naman, ang aking hiling
di isang bagay, na mahal kung bilhin
ito'y para sa pamilyang, gusto kong makapiling
andoon sa pinas, naghihintay sa aking pagdating

sana laging mabuti, ang kanilang kalagayan
sana'y ilayo sila, sa ano mang kapahamakan
sana'y patawarin sila, sa munting kasalanan
at ang pinakahuli, gusto kitang pasalamatan

Kuya...........

nagtatrabaho sya, sa bansang korea
matagal na doon, dahil tnt sya
nagkita sa chatrum, at nagkakilala
magmula noon, tinawag ko syang kuya

matagal tagal na rin, kaming magkakilala
nagkwentuhan na rin, ng buhay istorya
noon ko nalaman, may anak na pala sya
kaya pinipilit nya, maging isang mabuting ama

hanga talaga ako, sa kanyang mga diskarte
lalong lalo na, pagdating sa babae
napapaibig nya agad, nang walang sabi sabi
kaya sa chatrum sya ay, maraming nadadali

pag kami'y magkausap, lagi ko syang sinasabihan
kuya sa pambababae, ika'y mag dahan dahan
sa dami nila, di mo maisipan
kung sa bandang huli, sino ang tutuluyan

isa po lamang iyang, payong kapatid
dahil mahal kita, kahit di mo batid
pag may problema ka, at maraming iniintindi
lagi mong iisipin, andito lng ako sayong tabi


**********

Rafael<<<<< a.k.a. marlboro lights, minatamis na saluyot, hell_freezes_over,
joy_lee etc. tubong bulacan, ama ng dalawang magagandang anak, mabait,
masayahin, magaling makisama, mapagmahal, kaya lng babaero
( joke lng kuya peace tayo ha) nyahahaha......
tnx sa pag payag mo na eh post ko ang tulang ito na para sayo :)

Paano na Bayan

ano bang nangyayari, dito sa ating bayan
bakit sa tingin natin, ito ay napapabayaan
ano bang ginagawa, nang ating pamahalaan
problema nang mamamayan, ay di ma solusyunan

marami sa ngayon, ang nawalan ng trabaho
dahil sa krisis, na umaaktibo
ngunit anong ginagawa, nang mga tao sa gobyerno
binabalewala, dahil tuloy ang kanilang sweldo

diba't may koleksyon ng tax , kada isang buwan
na pag pinagsamasama,ito ay isa na ring yaman
siguro'y di naman dapat, ang bayan ay maghirap
dahil may nakalaang pondo, para sa hinaharap

saan na napunta, ang pondong nilaan
ito ba'y ginastos, sa marangyang halalan
marami pang utang, ang di nabayaran
pambayad ay kukunin pa, sa bulsa ng taong bayan

sa daming pangako, nong kasagsagan nang kampanya
na ganito at ganire, ang gagawin nila
ngunit ng manalo, at maihalal na
naumpog ata ang ulo, at nagka amnesya

panahon na siguro, upang kayo'y magbago
simulan nang ayusin, ang inyong liderato
isipin naman ninyo, ang kapakanan ng pilipino
para sa muling pagtakbo, kayo'y muling iboto

pulseras

nakita kita, sa isang tindahan
di ko namalayan, ako ay napadaan
nabighani ako, sa ganda mo at kinang
binili kita agad, ng walang alinlangan

di na ko nag isip, kung mahal ang halaga
kahit man lang magtanong,kung ito ay may tawad pa
basta ang importante, ikaw ay maiuwi na
at nang maisuot ko, sa braso kong namumula

lagi kitang tinititigan, sa aking salamin
na para bang ayaw, mawala sa paningin
ngunit kinakailangan, na ikaw ay hubarin
dahil baka mabasa, at biglang mangitim

minsan ay dumating, ang pangangailangan
wala akong maisip, na ibang paraan
kinuha kita, sa iyong taguan
at dinala muna, sa bahay sanglaan

sobrang lungkot, ang aking naramdaman
iniisip sa sarili, na di kita kayang iwan
ngunit kinakailangan, na sayo'y mag paalam
kung magkikita tayong muli, yan ang di ko alam

Talisay.........


talisay, ano nga bang meron ka
bakit mga turista, sayo ay pumupunta
dahil ba ito, sa angkin mong ganda
kaya sila sayo, ay nahahalina



sa bayan ng talisay, ay maraming pasyalan
maging paliguan, ay nag gagandahan
isama pa natin, ang bundok tagaytay
at sa pag baba naman, lawa ang nag hihintay



eto naman ang, simbahan ng talisay
animo'y palasyo, sa ganda at tibay
at pag pinasok mo, ang looban nito
makakaramdam ka, ng kapayapaan at kontento



at eto nman, ang lawa ng taal
may tubig tabang, at sa tabi ay bulkan
sa paligid naman, may taong naninirahan
di natatakot, sa pag putok ng bulkan

overseas workers

kay hirap pala, ang mangibang bansa
lalo't di sanay, mawalay sa pamilya
lagi mo silang, iniisip at inaalala
kung sa paglisan mo, paano na sila

ayaw man natin, sa kanila'y lumayo
nguni't sa hirap ng buhay, tayo ay humayo
upang makatulong, sa kanilang kailangan
di natin alintana, ang kahihinatnan

sa pagsapit natin, sa bansang banyaga
para tayong nangangapa, na tila tulala
natatakot, nag aalala o di kaya'y nangangamba
kung anong buhay ba, sa atin ay nakaamba

pagsapit ng unang, araw sa trabaho
di natin alam, kung pano makihalubilo
dahil sa ibang lengwahe, at estilo
nag tyaga na lang tayo, sa mustra at alerto

hirap ng trabaho, ay di natin alintana
para lng kumita, nang sapat at tama
upang sa pamilya, ay may ipadala
nang kahit paano, sila'y guminhawa

sabi nila, tayo'y isang bayani
dahil sa hirap, at sakripisyong nangyari
ngunit para sa kanila, lahat kayang tiisin
maibigay lamang, ang bawat naisin