naging hilig ko talaga, ang magchat sa Y.M.
sa sobrang kaadikan, umaabot nang 3 A.M.
dahil nalilibang, sa daming nagpi P.M.
kaya kinabukasan, mata ay nangingitim
isa pa ang pocketbook, na aking kinahiligan
pag naumpisahang basahin, ayaw nang tigilan
kahit pa umabot, nang magdamagan
lalo na't ang istorya, ay sa nag-iibigan
may mga panahon, ako rin ay nagsasawa
na halos araw araw, yon lagi ang ginagawa
ngunit walang pagpilian, upang di tumunganga
nakakasawa man, pero wala akong magagawa
minsan narinig ko ang BLOG, sa isang kaibigan
tinanong ko ang ibig sabihin, pati na rin ang panuntunan
gusto kong gumawa, pero di ko alam paano umpisahan
sinabi ko sa kanya, at ako ay kanyang tinuruan
nakagawa ako, nang sarili kong tahanan
nagkaroon akong muli, nang bagong libangan
dito'y napapagana ko, ang aking isipan
at nakakakilala pa, nang mga bagong kaibigan
sa mundo nang BLOG, lahat ay pwedeng gawin
pwede akong magsulat, nang bawat naisin
pwede kong ipakita, ang nilalaman ng damdamin
pwede ko ring sabihin, ang mga naging suliranin
sa mundo nang BLOG, lahat ay pare pareho
walang mahirap mayaman, matalino at bobo
basta marunong ka lang, makisama at makihalubilo
at ang pinakaimportante, ay magpakatotoo
di ko akalaing, ako pala ay may talento
marunong pala akong gumawa, ng tula at kwento
kahit na minsan, ay walang nag kokomento
basta ang mahalaga, nagawa ko ang aking gusto
ikinararangal ko, ang maging isang BLOGISTA
ipagsisigawan ko, saan man ako magpunta
kahit sabihin man nila, dito wala akong kita
pagkat di mababayaran, ang nakukuha kong saya
6 comments:
maganda din ang iyong naging libangan ang mag sulat at mailabas ang sariling kaalaman sa pag susulat.sulat lang kahit wlang ng comment dito naman ako mag babasa ingat lagi..
wowowow ate galing mo talagang mag sulat ah.... ganyan talaga sa umpisa walang babasa sa blog mo...dati nga halos 6 months na walang nag cocomment sa akin pero ayus lang at least mailabas mo yung nilalaman ng damdamin mo... hehehe ate miss na kita....
You really inspires me sa mga likha mong tula, I suggest you make a compilation of it and we can make a book of poems out of it. You are amazing.
Angel, I noticed that you displayed the banner of PEBA, are you an OFW too like us and where is your country location?
A blessed day to you.
Napakamakata mo nga, Angel! o",) Galing nitong tula, magugustuhan talaga ito ng mga bloggers.
*clap* *clap* *clap*... galing ahhh.... galing ni sis ghie? devah... ingatz... Godbless! -di
Galing mo miss angel sa bawat katagang binibigkas mo nagigising ang damdamin ng nagbabasa.
Post a Comment