kay hirap pala, ang mangibang bansa
lalo't di sanay, mawalay sa pamilya
lagi mo silang, iniisip at inaalala
kung sa paglisan mo, paano na sila
ayaw man natin, sa kanila'y lumayo
nguni't sa hirap ng buhay, tayo ay humayo
upang makatulong, sa kanilang kailangan
di natin alintana, ang kahihinatnan
sa pagsapit natin, sa bansang banyaga
para tayong nangangapa, na tila tulala
natatakot, nag aalala o di kaya'y nangangamba
kung anong buhay ba, sa atin ay nakaamba
pagsapit ng unang, araw sa trabaho
di natin alam, kung pano makihalubilo
dahil sa ibang lengwahe, at estilo
nag tyaga na lang tayo, sa mustra at alerto
hirap ng trabaho, ay di natin alintana
para lng kumita, nang sapat at tama
upang sa pamilya, ay may ipadala
nang kahit paano, sila'y guminhawa
sabi nila, tayo'y isang bayani
dahil sa hirap, at sakripisyong nangyari
ngunit para sa kanila, lahat kayang tiisin
maibigay lamang, ang bawat naisin
0 comments:
Post a Comment