ano bang nangyayari, dito sa ating bayan
bakit sa tingin natin, ito ay napapabayaan
ano bang ginagawa, nang ating pamahalaan
problema nang mamamayan, ay di ma solusyunan
marami sa ngayon, ang nawalan ng trabaho
dahil sa krisis, na umaaktibo
ngunit anong ginagawa, nang mga tao sa gobyerno
binabalewala, dahil tuloy ang kanilang sweldo
diba't may koleksyon ng tax , kada isang buwan
na pag pinagsamasama,ito ay isa na ring yaman
siguro'y di naman dapat, ang bayan ay maghirap
dahil may nakalaang pondo, para sa hinaharap
saan na napunta, ang pondong nilaan
ito ba'y ginastos, sa marangyang halalan
marami pang utang, ang di nabayaran
pambayad ay kukunin pa, sa bulsa ng taong bayan
sa daming pangako, nong kasagsagan nang kampanya
na ganito at ganire, ang gagawin nila
ngunit ng manalo, at maihalal na
naumpog ata ang ulo, at nagka amnesya
panahon na siguro, upang kayo'y magbago
simulan nang ayusin, ang inyong liderato
isipin naman ninyo, ang kapakanan ng pilipino
para sa muling pagtakbo, kayo'y muling iboto
2 comments:
hinahanap mo ang tax na binayaran ng taong bayan... hindi lahat ng ibinabayad ay napupunta sa pamahalaan. madami ang napupunta sa bulsa ng kawani ng gobyerno.
kaya hindi tayo umaasenso, ang tax na dapat sana'y eksakto at tama.. lumiliit pagdating ng filing dahil nasuhulan ang mga kawani ng BIR. hindi io-audit ang Returns kapalit ng halagang pilit na pinapataas taon taon. kaya sa halip makadiskubre ng mali at pandadaya ng negosyante, binabalewala ito dahil sapat na ang suhol para manahimik.
ganyan kadumi ang gobyerno... bakit ko alam? isa akong manunuhol!
Sana'y mabasa nilang lahat ito, pati na rin 'yong mga nangangarap palang na mailuklok sa katungkulan.
[Nakarating ako rito galing sa Isla de Nebz.]
Post a Comment