musta na kayo? siguro nagtataka kayo bakit di na ko nagsusulat dito sa blog ko, at siguro meron ng nag iisip na baka iniwan ko na eto, minsan nga pag open ko ng YM merong offline from my freind asking " hoy bat di ka na nag po post sa blog mo dahil ba sa di magandang comment don sa isang post mo", nabigla ako kc di ko naman iniisip yon then sinagot ko yung offline nya sabi ko " ay naku bc lang ako kya wala na ko time mag blog at saka ba't ko naman iisipin yong bad comment eh di ko nman kilala kung sino yon at saka karapatan nya yon ke maganda or masama yong comment at least me bumabasa ng post ko. di ko alam kung naniwala sya sa reason ko at least sumagot ako sa tanong nya.
by the way eto na ko start na uli ng pag ba blog sa totoo lng na miss ko to ewan ko ba me time na gusto kong mag post ngunit pag harap ko na sa pc ayaw gumana ng utak ko wala akong maisulat kaya ang ginawa ko pinahinga ko muna kumbaga eh ni recharged sya para pag napalaban muli matatag na sya.
pag binubuksan ko tong blog ko una kong tinitingnan eh yung shoutmix kc gusto kong malaman sino-sino ba ang dumadalaw dito at nagiiwan ng mensahe at napansin ko etong si arvin ang napakasipag mag mensahe kahit pa nga laging tungkol sa mga post nya ay ok lng sa kin dahil naaalala nya akong puntahan, kya lng minsan di ko nababasa yong ibang sinusulat nya kc ewan... wala lng, pero yung last message nya di ko napahindian kc nakita ko yung words na O.F.W. kaya binisita ko agad ang kanyang tahanan at ng mabasa ko yung post nya "MUKHANG PERA" eh parang nag iba ang aking pakiramdam ikumpara at sabihin ba naman na ang O.F.W. eh mukhang pera eh sino ba naman ang di sasama ang pakiramdam, tingin ko tuloy ang tagal ko na palang mukhang pera (joke lang). alam nyo ba kung bakit ko naramdaman yon hmmm... cge na nga mag wento ako ng konte tungkol sa life ko.
bata pa lang ako ng mamatay ang father ko, anim kaming magkakapatid 5 yrs. old pa lang ako noon at syempre ang nanay ko ang naiwang magtatagayod sa amin at dahil wala namang naiwan ang tatay ko na yaman kaya naisipan ng nanay ko na mag abroad ( O.F.W./ MUKHANG PERA)iniwan nya kami sa kanyang mga magulang, ginusto nyang mapalayo sa min dahil alam nya na di nya maiibigay ang pangangailangan nmin kung sa pinas sya mananatili, kaya kahit anong lungkot at hirap, pangungulila sa mga anak nyang iniwan tiniis nya kapalit ng dolyar na kikitain para sa pamilyang umaasa sa kanya.hanggang sa lumaki kmi andon pa rin sya, naisipan lang nya na tumigil ng makita nya na kya na nming mabuhay na di na umaasa sa kanya.
nang time na umuwi ang nanay ko me regular na kong trabaho, kumikita ako ng sobra pa sa pangsuporta sa sarili ko at dahil hindi ako obligadong magbigay di ko rin iniisip na bigyan dahil di sila humihingi. ganon lng palagi ang takbo ng buhay ko nagtatrabaho ako para lng sa sarili ko until mayaya ako ng workmate ko na mag apply sa TAIWAN. at first parang ayaw ko kc iniisip ko ba't pa ko aalis eh ok nman ang kita ko pero pinilit pa rin ako sabi try ko lng daw, sabi ko sige na nga total try lng nman at wala nmang mawawala sa kin. sa dami naming magkakasama ako yong di seryoso, ako pa ang natanggap napaiisip tuloy ako ah siguro me reason ang nasa taas bakit ako yung napili. so samadaling salita nakaalis ako isa nang certified na O.F.W.(mukhang pera)sa unang month ng sweldo nabigla ako kc triple ng amount ng sweldo nong nasa pinas pa ako ibig sabihin mas marami na kong pang suporta sa sarili ko, pero alam nyo ba ng mahawakan ko yung pera biglang pumasok sa isip ko ang pamilya ko, ang nanay ko, inisip ko cguro eto naman yong time na ako nman ang bumuhay sa kanya, suklian ko ang kabutihan at mga hirap na ginawa nya, alam ko di lang sya makapagsabi or humihingi sa akin hinihintay nya lng akong mag kusa at noon ko lng na realized na ako naman ang me obligasyon sa kanya dahil ako na ang kumikita, kya simula non kada sweldo di ko sya nakakalimutan padalhan hanggang nasanay na ako at pati mga kapatid at pamangkin nabibigyan at natatanong kung ano ba ang gusto nila na pag naibibigay ko eh mararamdaman na napapasaya ko sila, natulungan ko rin ang dalawa kong kapatid na makapunta rito isa na rin silang certified na O.F.W. kaya naging tatlo na kaming mukhang pera. dahil sa pag aabroad masasabi ko na maraming magandang nangyari di lang sa buhay ko maging sa buhay ng pamilya ko.
oh haba na ng munting kwento ko, cguro iniisip nyo ano bang koneksyon ng kwento ko sa "mukhang pera" . eto lang naman po... una ang nanay ko nagpakamukhang pera (O.F.W)para lng buhayin at maitaguyod kaming mga anak nya, at ako nman kailangan pang mag mukhang pera para lang ma realized ang pagkukulang at responsibilidad sa pamilya at para matutong tumulong sa iba. oh di ba kakaiba ang pamilya namin kc ang nanay ko mukhang pera kaming mga anak nya until now nagpapakamukhang pera, pero ok lang na tawagin kami na pamilyang mukhang pera kung ang kapalit naman eh saya at konteng ginhawa ng buong pamilya..
nang mabasa ko ang post ni arvin di na ko nag comment kundi ang ginawa ko binasa na lng yung mga comment sa kanya at sa tingin ko tama na yon di na kailangang dagdagan pa, ang sa akin lng sana bago nya eh post binasa at pinag isipan muna nyang mabuti. sabi nga nila sa pag ba blog kailangan responsable tyo sa bawat katagang bibitawan, kung alam naman na makakasakit tyo ng kapwa bakit pa natin gagawin.
alalahanin lagi natin masarap mabuhay pag alam natin na wala tayong nasasagasaan at naagrabrayadong tao. at dito sa mundo napakaraming O.F.W. na nagpapaka bayani para lang sa pamilya at PROUD ako na isa ako doon.
MABUHAY ANG LAHAT NG OVERSEAS FILIPINO WORKERS..
5 Comments