Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

nagtatanong lang......

matatapos na naman ang araw na ito, pero yung mga iniisip at nararamdaman ko ganon pa rin as in walang pagbabago. ewan ko ba naman sa sarili ko napakadaming iniisip di ko nman alam kung dapat nga bang isipin, ang gulo ko noh? kase naman talagang apektado ako sa problema ng fren ko naaawa ako sa kanya pero wala naman akong magawa, ang hirap di ba, gusto ko syang tulungan. but how? minsan naaabutan ko sya ng konteng pang gastos pero alam ko di iyon sapat at nahihiya na rin sya sa akin. di nman ako pwede magpunta don sa M.E.C.O. (Manila Economic Cultural Office isang group na tumutulong para lumutas sa mga kaso ng ofw) para kausapin sila about sa case ng fren ko kc me lawyer naman sila . ask ko nga yong fren ko "bat ang bagal ng process ng case di ba pinafollow-up ng lawyer nyo", ang sabi nya "mahirap kaseng i-pursige yung abogado kc libre" ano ba yan dahil ba libre di na pwedeng sabihan na pwedeng pakibilisan ng pag process, eh sa tagal na ng ipinaghintay nya until now wala pa rin result. kelan pa kaya matatapos ang paghihintay? ilang buwan na syang walang trabaho paano na ang pamilyang umaasa sa kanya?

ilang araw na kong ganito lagi nag iisip, naguguluhan. ask ko nga ang mga fren ko ng ganito, "Bat ganon pag me problema at sad yong taong malapit sayo, parang damay ka na rin"
at eto mga sagot nila sa kin:

#1 kc mahal mo yung tao.
#2 masyado ka kasing nagpapadala sa emotion.
#3 natural.. kasi nakikisimpatya ka sa nararamdaman nya, especially pag close sya sa iyo
#4 Dnt get ur em0ti0n affected 2 d0s pip0l ar0und u c0z mybe u might get w0rst on it..
#5 Mer0n k lng mlsakit s ksma pr0 wg m0 den dmdmin pr0b m0 bk kw p un mcra ul0.. Lyf must g0 on dnt let it b d reas0n 2 ruin ur lyf.

iba iba ang sagot nila pero sa tingin ko isa lng ang kahulugan, concern lng talaga ako sa kanya or likas na ata sa akin ang pagkamaawain. pero siguro kung sa inyo kaya mangyari ang ganitong sitwasyon, di ba kyo malulungkot or mag-iisip at ano ang pwede nyong gawin? nagtatanong lng po.....


_______________________________________
sa makakabasa po ng post na to, if di nyo maunawaan
ang aking mga sinasabi pakibasa na lng po uli ng
"mabuhay ka kaibigan" kc dyan po nagsimula ito.

Mabuhay Ka Kaibigan........

kagabi medyo mabilis lng ang pag stay ko sa harap ng pc kc feel ko mag sleep ng maaga lagi kc akong puyat these past few days, ewan ko ba dami ko lagi iniisip tulad ng kung ano ba pwede kong ma eh post sa blog ko, ( na adik na kc ako ) dati nman pag lapat ng likod ko sa bed konteng oras lng sleep na pero kagabi yong ang pinaka grabe mag 2 am na di pa ko sleep naisip ko tuloy yong friend ko dito, naaawa kc ako sa kanya dahil sa pagpapakabayani sa kanyang dalawang kasama nagsa-suffer ang family nya...kwento ko sa inyo para maintindihan nyo....

ganito kc yon halos sabay lng kmi ng fren ko na napunta dito sa taiwan, sa 1st & 2nd contract nya( every contract ay 3yrs. ang allowed na stay sa taiwan) masasabi ko na swerte sya sa company na napuntahan nya dahil ok yung pasweldo sa kanila, sa ganda ng kita napag-aaral nya sa exclusive school ang dalawa nyang anak, napaayos nya ang kanilang house at talagang suportado ang pamilya. kaya pag inaalok sya uli ng another contract di sya nagdadalawang-isip na pirmahan, kaya lng biglang nabago ang takbo ng lahat sa pangatlong kontrata, noong unang month ng pa tatrabaho nya ok pa yung pasweldo sa kanya tapos ng makailang buwan, na dedelay na hanggang sa abutin ng tinatawag na global crisis, so sa madali't sabi umabot ng 6 mos. yung sweldo na di pinapasahod sa kanila. kinausap ng fren ko yung dalawang kasama at sinabi na "pagdating ng a-singko at di pa tyo pina sweldo mag reklamo na tyo sa h.o.p.e" ( isang grupo na tumutulong sa mga ofw pag me problema sa trabaho) at pumayag nman ang dalawa.

dumating ang a singko di parin sila pinasahod kaya nagpunta silang tatlo sa h.o.p.e. at sinabi ang kanilang problema, nangako nman ang h.o.p.e. na tutulungan sila. ang unang ginawa ng h.o.p.e. ay kinausap ang employer nila, sinabi na kailangang ibigay lahat sa mga tao nya ang buwan na di nya napasweldo, "pag di mo ibinigay sasampahan ka namin ng kaso dahil labag sa law ang ginagawa mo." pero di natinag ang amo nila kya walang nagawa ang h.o.p.e. kundi umalis at asikasuhin ang pagsampa ng kaso, lingid sa kaalaman nila at ng h.o.p.e. me binabalak palang iba ang employer nila.

isang araw nagulat ang kaibigan ko ng ipatawag sya ng kanilang amo, nagtataka sya bat mag isa lng at di ipinatawag ang dalawa nyang kasama, nagpunta sya agad sa opisina ng amo nya at nag-usap sila ng masinsinan.

amo: kya kita pinatawag meron ako offer sayo
fren: (napaisip sya sabay sabing) ano po iyon?
amo: ibibigay ko ang lahat ng sweldo mo at pababalikin pa kita sa company ko basta iurong mo ang kaso at hayaan mo na ang dalawa mong kasama.

napaisip ang aking kaibigan. inisip nya na sa tagal ng di nya pagsahod tambak na ang kanyang pagkakautang, meron syang utang sa lending na kailangang bayaran, meron utang pa sa pinas na ipinangtatawid gutom ng kanyang pamilya na di nya mapadalhan dahil sa kawalan ng sahod, tapos meron pa syang bagong baby na kailangan ng gatas sa araw araw.

kung pansariling kapakanan lng ang iisipin siguro tatanggapin nya. why? kase pag tinanggap nya tiyak bayad lahat ang utang nya me trabaho pa sya na babalikan.

pero umiral ang pagka good samaritan ng fren ko eto ang sinabi nya sa kanyang amo. "kung babayaran mo ako dapat bayaran mo rin ang mga kasama ko, di ko matatanggap yan dahil pag tinanggap ko yan paano nman sila, eh ako yung nagpursige sa dalawa na ilalaban nmin yong kaso kahit san man makarating, at di ko sila kayang iwan at isipin lng ang sarili ko."

akala siguro ng amo nya masisilaw sya sa pera, pero hindi inisip pa rin nya ang kanyang ksama. kaya sa ngayon tuloy pa rin ang kaso nila at hanggang sa ngayon wala pa rin magandang balita sa ipinaglalaban nila at nakakalungkot isipin na sila yong agrabyado pero until now di pa ma-solve yung kaso dahil sa bagal ng proseso.

hanga at saludo ako sa aking kaibigan, sa hirap ngayon ng buhay, di sya nagpasilaw sa kislap ng pera nasa isang iglap ay pwede ng mapasakanya at di na nya kailangang makipaglaban. isa syang tao na may disposisyon at paninindigan kasehodang maging dahilan pa iyon ng paghihikahos ng kanyang pamilya. dalangin ko na lng sa kanya sana maayos na ang lahat at makapag-umpisa kang muli, sana marami pa ang katulad mo.........

MABUHAY KA !!!!!!!!!!!!!


tanong ko lng po, kung sa inyo mangyayari ang ganitong sitwasyon anong gagawin nyo?

set up

wala ako maisip na isulat kaya naisipan ko na lng mag basa ng ibang blog hanggang sa napadpad ako sa tahanan ni "Blogusvox" halos mabasa ko na lahat ng post nya ng matigil ako sa isa, me title na "isang masilamuot na karanasan" naka relate ako sa kwento nya kase nangyari din yon sa aking kakilala.

Ganito ang story ng aking kakilala, me bibilhin sya sa isang convenient store pag dating nya don me nakita syang isang babae na parang me problema sa kanyang motorcycle, then pag kakita sa kanya humingi ng tulong, syempre likas na matulungin di sya nag hesitate na tulungan. Tapos nag usap sila kung ano bang problema sa motor nya at sinabi nman ng babae pag katapos malaman biglang nag paalam yung girl ang sabi me bibilhin lng tapos nag start na syang ayusin yong motor ng biglang me dumating na pulis sinita sya bat daw nya ginagalaw yung motor, nag paliwanag sya sinabi nya na tinutulungan lng nya yung girl, ayaw maniwala ng mga police tinanong sa kanya asan ang may- ari ng motor sabi nya pumasok sa tindahan at me bibibili lng hinintay nila yung me ari na bumalik ngunit di na sya nag pakita kaya pinagbintangan sya na ninanakaw nya yung motor.

Dinala sya sa head quarters tinanong sya pero kahit ano pa paliwanag nya ayaw sya paniwalaan kc wala nman syang pruweba pati yong girl na tinulungan nya nawala bigla kya ang nangyari nakulong sya, pinatawag ang employer nya pinakiusap sa mga police, nakipag areglo at naayos naman ilang araw lang syang makukulong tapos mag babayad pa sya, ang boss muna nya ang sumagot sa pambayad at ang usapan babawasin na lng sa sweldo nya eh magkano lng ba nman ang kinikita nya halos kulang pa pampadala ang inuwian tuloy tiniis muna ang pamilya para makabayad.

Ang saklap ng nangyari sa kanya di nya akalain na ang pagtulong sa kapwa ang magiging dahilan ng pagkakakulong nya. Pag kauwi kinausap sya ng bosing nya sinabihan na sa susunod wag ng maniniwala sa mga ganon kc racket daw yon ng ibang pulis para magkapera maaring kakutsaba nila yung babae at na set up sya. Simula noon naging aral na ito sa kanya itinanim nya sa isip na di lahat ng humihingi ng tulong at dapat tulungan, minsan kailangan nyang tumanggi.

Sana maging aral din sa atin ang nangyari sa kanya ok lng nman tumulong basta sa hindi natin ikapapahamak, di manyapa't tumanggi tayo ibig sabihin masama or mali ang ating inasal....... nag iingat lng.

overseas workers

kay hirap pala, ang mangibang bansa
lalo't di sanay, mawalay sa pamilya
lagi mo silang, iniisip at inaalala
kung sa paglisan mo, paano na sila

ayaw man natin, sa kanila'y lumayo
nguni't sa hirap ng buhay, tayo ay humayo
upang makatulong, sa kanilang kailangan
di natin alintana, ang kahihinatnan

sa pagsapit natin, sa bansang banyaga
para tayong nangangapa, na tila tulala
natatakot, nag aalala o di kaya'y nangangamba
kung anong buhay ba, sa atin ay nakaamba

pagsapit ng unang, araw sa trabaho
di natin alam, kung pano makihalubilo
dahil sa ibang lengwahe, at estilo
nag tyaga na lang tayo, sa mustra at alerto

hirap ng trabaho, ay di natin alintana
para lng kumita, nang sapat at tama
upang sa pamilya, ay may ipadala
nang kahit paano, sila'y guminhawa

sabi nila, tayo'y isang bayani
dahil sa hirap, at sakripisyong nangyari
ngunit para sa kanila, lahat kayang tiisin
maibigay lamang, ang bawat naisin