kagabi medyo mabilis lng ang pag stay ko sa harap ng pc kc feel ko mag sleep ng maaga lagi kc akong puyat these past few days, ewan ko ba dami ko lagi iniisip tulad ng kung ano ba pwede kong ma eh post sa blog ko, ( na adik na kc ako ) dati nman pag lapat ng likod ko sa bed konteng oras lng sleep na pero kagabi yong ang pinaka grabe mag 2 am na di pa ko sleep naisip ko tuloy yong friend ko dito, naaawa kc ako sa kanya dahil sa pagpapakabayani sa kanyang dalawang kasama nagsa-suffer ang family nya...kwento ko sa inyo para maintindihan nyo....

ganito kc yon halos sabay lng kmi ng fren ko na napunta dito sa taiwan, sa 1st & 2nd contract nya( every contract ay 3yrs. ang allowed na stay sa taiwan) masasabi ko na swerte sya sa company na napuntahan nya dahil ok yung pasweldo sa kanila, sa ganda ng kita napag-aaral nya sa exclusive school ang dalawa nyang anak, napaayos nya ang kanilang house at talagang suportado ang pamilya. kaya pag inaalok sya uli ng another contract di sya nagdadalawang-isip na pirmahan, kaya lng biglang nabago ang takbo ng lahat sa pangatlong kontrata, noong unang month ng pa tatrabaho nya ok pa yung pasweldo sa kanya tapos ng makailang buwan, na dedelay na hanggang sa abutin ng tinatawag na global crisis, so sa madali't sabi umabot ng 6 mos. yung sweldo na di pinapasahod sa kanila. kinausap ng fren ko yung dalawang kasama at sinabi na "pagdating ng a-singko at di pa tyo pina sweldo mag reklamo na tyo sa h.o.p.e" ( isang grupo na tumutulong sa mga ofw pag me problema sa trabaho) at pumayag nman ang dalawa.

dumating ang a singko di parin sila pinasahod kaya nagpunta silang tatlo sa h.o.p.e. at sinabi ang kanilang problema, nangako nman ang h.o.p.e. na tutulungan sila. ang unang ginawa ng h.o.p.e. ay kinausap ang employer nila, sinabi na kailangang ibigay lahat sa mga tao nya ang buwan na di nya napasweldo, "pag di mo ibinigay sasampahan ka namin ng kaso dahil labag sa law ang ginagawa mo." pero di natinag ang amo nila kya walang nagawa ang h.o.p.e. kundi umalis at asikasuhin ang pagsampa ng kaso, lingid sa kaalaman nila at ng h.o.p.e. me binabalak palang iba ang employer nila.

isang araw nagulat ang kaibigan ko ng ipatawag sya ng kanilang amo, nagtataka sya bat mag isa lng at di ipinatawag ang dalawa nyang kasama, nagpunta sya agad sa opisina ng amo nya at nag-usap sila ng masinsinan.

amo: kya kita pinatawag meron ako offer sayo
fren: (napaisip sya sabay sabing) ano po iyon?
amo: ibibigay ko ang lahat ng sweldo mo at pababalikin pa kita sa company ko basta iurong mo ang kaso at hayaan mo na ang dalawa mong kasama.

napaisip ang aking kaibigan. inisip nya na sa tagal ng di nya pagsahod tambak na ang kanyang pagkakautang, meron syang utang sa lending na kailangang bayaran, meron utang pa sa pinas na ipinangtatawid gutom ng kanyang pamilya na di nya mapadalhan dahil sa kawalan ng sahod, tapos meron pa syang bagong baby na kailangan ng gatas sa araw araw.

kung pansariling kapakanan lng ang iisipin siguro tatanggapin nya. why? kase pag tinanggap nya tiyak bayad lahat ang utang nya me trabaho pa sya na babalikan.

pero umiral ang pagka good samaritan ng fren ko eto ang sinabi nya sa kanyang amo. "kung babayaran mo ako dapat bayaran mo rin ang mga kasama ko, di ko matatanggap yan dahil pag tinanggap ko yan paano nman sila, eh ako yung nagpursige sa dalawa na ilalaban nmin yong kaso kahit san man makarating, at di ko sila kayang iwan at isipin lng ang sarili ko."

akala siguro ng amo nya masisilaw sya sa pera, pero hindi inisip pa rin nya ang kanyang ksama. kaya sa ngayon tuloy pa rin ang kaso nila at hanggang sa ngayon wala pa rin magandang balita sa ipinaglalaban nila at nakakalungkot isipin na sila yong agrabyado pero until now di pa ma-solve yung kaso dahil sa bagal ng proseso.

hanga at saludo ako sa aking kaibigan, sa hirap ngayon ng buhay, di sya nagpasilaw sa kislap ng pera nasa isang iglap ay pwede ng mapasakanya at di na nya kailangang makipaglaban. isa syang tao na may disposisyon at paninindigan kasehodang maging dahilan pa iyon ng paghihikahos ng kanyang pamilya. dalangin ko na lng sa kanya sana maayos na ang lahat at makapag-umpisa kang muli, sana marami pa ang katulad mo.........

MABUHAY KA !!!!!!!!!!!!!


tanong ko lng po, kung sa inyo mangyayari ang ganitong sitwasyon anong gagawin nyo?