HIMIG NG DAMDAMIN

matagal ng nangyari, gusto ng kalimutan
isang pag ibig, na panandalian
maraming panahon, na pinaglalabanan
bakit ba ang puso'y, hirap turuan

magmahal ba ng mali, ay isang kasalanan
di man ginusto, pero natutunan
pilit mang itama, pero ayaw tantanan
kaya ang puso'y, laging sugatan

pagtingin sa langit, kay daming bituin
bakit ang buhay, ay parang kay dilim
napakabigat dalhin, sa damdamin
ngunit kinakailangan, ito ay pigilin

kay hirap sa dibdib , ang dinadala
lalo't nakaraan, ay naaalala
pilit nililimot, at inaabandona
ngunit kahit anong gawin, wala paring kwenta

parang isang ibon, sa loob ng hawla
gustong lumipad, pero di makaya
di alam ang gagawin, upang makalaya
para makamtan muli, ang tunay na ligaya

LIBANGAN.....

naging hilig ko talaga, ang magchat sa Y.M.
sa sobrang kaadikan, umaabot nang 3 A.M.
dahil nalilibang, sa daming nagpi P.M.
kaya kinabukasan, mata ay nangingitim

isa pa ang pocketbook, na aking kinahiligan
pag naumpisahang basahin, ayaw nang tigilan
kahit pa umabot, nang magdamagan
lalo na't ang istorya, ay sa nag-iibigan

may mga panahon, ako rin ay nagsasawa
na halos araw araw, yon lagi ang ginagawa
ngunit walang pagpilian, upang di tumunganga
nakakasawa man, pero wala akong magagawa

minsan narinig ko ang BLOG, sa isang kaibigan
tinanong ko ang ibig sabihin, pati na rin ang panuntunan
gusto kong gumawa, pero di ko alam paano umpisahan
sinabi ko sa kanya, at ako ay kanyang tinuruan

nakagawa ako, nang sarili kong tahanan
nagkaroon akong muli, nang bagong libangan
dito'y napapagana ko, ang aking isipan
at nakakakilala pa, nang mga bagong kaibigan

sa mundo nang BLOG, lahat ay pwedeng gawin
pwede akong magsulat, nang bawat naisin
pwede kong ipakita, ang nilalaman ng damdamin
pwede ko ring sabihin, ang mga naging suliranin

sa mundo nang BLOG, lahat ay pare pareho
walang mahirap mayaman, matalino at bobo
basta marunong ka lang, makisama at makihalubilo
at ang pinakaimportante, ay magpakatotoo

di ko akalaing, ako pala ay may talento
marunong pala akong gumawa, ng tula at kwento
kahit na minsan, ay walang nag kokomento
basta ang mahalaga, nagawa ko ang aking gusto

ikinararangal ko, ang maging isang BLOGISTA
ipagsisigawan ko, saan man ako magpunta
kahit sabihin man nila, dito wala akong kita
pagkat di mababayaran, ang nakukuha kong saya

PARA SAYO INAY.....

ikaw ang nagbigay, sa akin ng buhay
iyong pinakita, ang mundong makulay
hinubog pinalaki, inalagaang tunay
boung pagmamahal, sa akin ay inalay


maaga kang iniwan, ng aking ama
dahil sa sakit, na ikinamatay nya
di ka nanghina, o nawalan ng pag asa
dahil alam mo, na sayo'y may umaasa


dalawang papel, ang yong ginampanan
naging ina at ama ka, ng ating tahanan
pilit kinaya, at pinaglabanan
ang hirap na dinanas, pati na rin kalungkutan


lahat ng hirap, iyong tiniis
maibigay lang, ang aking nais
kahit kung minsan, ikaw ay naiinis
pilit pa ring pinapakita, ngiti mong kay tamis


wala kang katulad, o aking ina
dito sa aking puso, sadyang nag iisa ka
kahit sa ngayon, di tayo magkasama
lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita


happy mothers day..............

HUWAD........

malayo tayo, sa isa't isa
ngunit pinaglapit, at pinagkilala
napasarap sa kwentuhan, oras ay di namalayan
sa haba ng usapan, tayo ay nalibang

sa halos araw araw, tayo ay nagkikita
sa pamamagitan, nang isang tekolohiya
doon ay naririnig kita, at namamasdan pa
kaya't di nagtagal, sayo'y umibig na pala

lumipas ang araw, di ka nakatiis
di napigilang, isiwala't ang nais
kahit nangangamba, na mabasted ko pa
nguni't laking tuwa, ng ikaw ay pumasa

naging maganda, ang ating pagsasama
kahit layo natin, ay sadyang milya milya
natutong mag isip, ng plano at pangarap
para pag handaan, ang ating hinaharap

ngunit ang akala ko, ang lahat ay ayos na
di ko akalain, na may katapusan pala
bigla kang nawala, iniwan akong nag iisa
sa anong dahilan, di sana ako umasa

masakit sa akin, ang yung ginawa
nang dahil sayo, puso ko'y nasira
nagpaloko ako, sa matamis mong salita
isa ka palang "HUWAD " na nilalang ng madla.

MAYO UNO.......

MAYO UNO.......






ano bang meron sa araw na ito?


isa lang naman tanong na alam ko na kahit sino sa atin eh alam ang kasagutan.
ito ang kaarawan ng katulad kong isang manggagawa, na minsan sa isang taon eh
ginagawang pahinga ang araw na ito.

ano ba ang karaniwang ginagawa sa araw na ito?


ang ibang manggagawa eh nagsasama sama sa isang lugar nagba-bonding o di kaya
eh nag pupulong tungkol sa kanilang mga organisasyon or samahan, yung iba nman
eh umuuwi sa kanilang pamilya dahil pagkakataon na nila para makasama. at yung
iba eh pumapasok kc me kailangang tapusin pero overtime pay naman, kung iisipin
natin isang araw lang to pero pwede tayong maraming gawin.

ako! ano ba ang dapat kung gawin sa araw na ito?


as of now wala pa ko naiisip kung ano ang dapat kung gawin kase di ako naka prepare
kc kahapon di pa sure if me pasok kami or wala, marami kase akong nadidinig na baka
daw ipampalit araw yon ng sataurday kc ipit na araw. but at the last min. nagbago ng
isip ng mga bossing namin at ginawang 3 days ang bakasyon namin so in other words
monday na ang balik namin sa work. syempre masaya ako ng nalaman ko yung news
na yon kc bakasyong engrande na naman, pero panandalian lng ang sayang yon kase
biglang naisip ko ano bang ikinabuti ng 3 araw na walang pasok. yes makapagpahinga
nga ako ng 3 days pero pero me kulang pa rin andon yung lungkot, kc wala naman ako
sa PINAS para gawin yung mga nasabi ko sa taas. sarap sana kung andon ako, pwede
akong umuwi sa pamilya ko at makipag bonding sa loob ng 3 araw na bakasyon, pag
naiisip ko ang hirap talaga ng malayo sa kanila, pero ito talaga yata ang kapalit ng medyo
konteng malaking kita kailangang mag sakripisyo. pag naiiisip ko nga yong dati na sa
PINAS pa ko nag tatrabaho maliit lng ang kita tama lng sa pang sarili pangangailangan,pero doon alam ko masaya ako kc nga nakakasama sila sa mahahalagang araw ng buhay ko, kaya lang we need to face the reality na hindi kami pwedeng magsama sama dahil sa hirap ng buhay sa atin. kaya eto ako now..... isa sa mga OFW na nakikipag sapalaran para sa pamilyang umaasa sa akin.


actually di ko naman pinagsisisihan kung naging isa akong manggagawa sa ibang bansa,
thankful nga ako kase malaki ang naitutulong nito sa akin at maging sa family ko, naibibigayko ang kanilang mga needs, at simula ng maging OFW ako marami ng magagandang bagay nabago sa life ko. at bago ko nman na achieve yon eh dumaan ako sa maraming sacrifices,hirap kung paano mapalayo sa pamilya, hirap ng pag me sakit eh walang mag babantay or mag aalaga , hirap ng pag me dumarating na dagok sa buhay eh walang makapitan.minsan nakakaranas ako ng sobrang homesick at gusto ko ng umuwi pero di pwede kciniisip yung pamilya na umaasa.


hirap talaga at alam ko isa lang ako ang me ganitong karanasan, marami na at darami
pa ang makakaranas kase madami pa rin ang umaalis sa ating bansa para makipag
sapalaran dahil sa hirap ng buhay, at good luck na lng sa kanila sana maging maganda
rin ang kanilang mapuntahan..

para sa lahat ng OFW........


kay hirap pala, ang mangibang bansa
lalo't di sanay, mawalay sa pamilya
lagi mo silang, iniisip at inaalala
kung sa paglisan mo, paano na sila


ayaw man natin, sa kanila'y lumayo
nguni't sa hirap ng buhay, tayo ay humayo
upang makatulong, sa kanilang kailangan
di natin alintana, ang kahihinatnan


sa pagsapit natin, sa bansang banyaga
para tayong nangangapa, na tila tulala
natatakot, nag aalala o di kaya'y nangangamba
kung anong buhay ba, sa atin ay nakaamba


pagsapit ng unang, araw sa trabaho
di natin alam, kung pano makihalubilo
dahil sa ibang lengwahe, at estilo
nag tyaga na lang tayo, sa mustra at alerto



hirap ng trabaho, ay di natin alintana
para lng kumita, nang sapat at tama
upang sa pamilya, ay may ipadala
nang kahit paano, sila'y guminhawa


sabi nila, tayo'y isang bayani
dahil sa hirap, at sakripisyong nangyari
ngunit para sa kanila, lahat kayang tiisin
maibigay lamang, ang bawat naisin



siguro nabasa nyo na yang tula na yan kc na eh post ko na yan dati, pero
inulit ko para pag nabasa nyo ang entry ko sa araw na ito ay maramdaman
nyo kung gaano kyo kaimportante sa mundong ito..di lang tayo isang bayani
para sa ating pamilya kung hindi bayani rin tayo sa ating bansa.
para sa lahat ng tulad kong manggagawa, saan mang lugar mapa PINAS or
abroad man....saludo ako sa inyo.

mabuhay tayong lahat........at pag palain tayo ng poong maykapal.