Anghel ka na walang pakpak
nasa lupa ay laging nakaapak
budhi mo ay bumubusilak
ganda mo'y parang isang bulaklak
Narito ka sa lupa
upang bantayan ang mga bata
dahil sa takot na mapahamak sila
di iniwan kahit isang saglit pa
Ginto ka sa aking paningin
dahil sa ganda ng yong mithiin
may puso kang naninimdim
pag buhay ko ay dumidilim
Ehemplo kang tunay sa akin
kabaitan mo'y dapat gayahin
sa kapwa ay laging matulungin
kaya nararapat na ikaw ay purihin
Lagi ka sa aking isipan
kabutihan mo ay di malilimutan
sanay wag mo akong iwan
at lagi mo akong alagaan
5 comments:
naalala ko yung kanta ng isang opm band na stonefree, anghel sa lupa... :)
nice poem...
Sino kaya ang tinutukoy na Angel na nasa lupa na binabantayan ang mga bata, sya kaya si Inay na may budhing busilak?
Muli mo akong pinahanga sa iyong mga tula, pagpalain ka nawa ni Bathala.
para sa akin ba tong tula mo? natats naman ako hehe..
magaling ang pagkakagawa ng tula uh.
Sino kaya ang tinutukoy mong isang anghel sa tulang ito? Ang iyong sarili ba, Angel o ang isang ina?
Very good! U
Para kay nanay?
Post a Comment