____________________________________________________________________
noong nakaraang araw, ako'y nanood ng balita
ako ay nalungkot, sa aking nakita
isang limang taong bata, nagpapalimos sa kalsada
kapahamakan na hinaharap, ay sinasagupa nya
sadyang nakakatakot, ang kanyang ginagawa
sumusugod sa sasakyan, upang manghingi ng awa
ngunit minsan may taong, walang puso sa kapwa
konting barya lng sa bulsa, pinagdadamutan pa sya
nasaan na kaya, ang kanyang magulang
bakit sya hinahayaang, magpalimos sa lansangan
sya ba'y walang trabaho, o di kaya'y may karamdaman
kaya anak ay pinanlimos, kumita kahit barya lng
kawawa ang bata, kung sya ay ating titingnan
sa murang edad nya, sya' y nahihirapan
sa hirap ng buhay, na kanyang pinaglalabanan
sanay may bukas pa, nasa kanya ay nakalaan
*********************************************
nakakalungkot isipin na me mga batang sa murang edad

eh nahahasa o di kaya ay naaabuso ang katawan sa paghahanapbuhay,
kumita lng ng konte para maipangtawid gutom kasehodang ang maging
bunga pa non ay ang kapahamakan nila. may tanong sa aking
isipan na gusto kong ihanap ng kasagutan, nasaan na kya ang
kanilang mga magulang, bakit hinahayaan na ang anak nila ang
maghanapbuhay samantalang obligasyon nila na alagaan at palakihin
ng ayos ang kanilang mga anak, bakit pa nila binigyan ng buhay kung
hirap at dusa rin lang nman ang ipadadanas nila. bakit di sila ang
magbanat ng buto para kumita ng sa ganon maibigay nila sa kanilang
anak ang dapat na mapasakanya.
sa pag kakaalam ko po "ang magulang me obligasyon sa anak,
pero ang anak walang obligasyon sa magulang" dahil ang mga anak
don babawi sa magiging anak naman nila. alam ko po kanya kanya
tayong paniniwala at di tayo parepareho ng pagkakaalam, pero iisa
lng naman ang gusto kong ipahiwatig. na sana wag pabayaan ng magulang
ang kanilang mga anak, ang dapat sa kanila pagmamahal, pagkalinga
di hirap at pagdurusa. sa bawat minuto , oras at araw na merong sanggol
na isinisilang ilang pa kaya ang magiging tulad nya?
sana'y wala na.........
4 comments:
hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dito sa entry mo.. nakikisimpatiya ako sa mga batang ito.. pero sa isang banda..natatakot ako... kasalukuyan akogn nakakaranas ng kakaibang unos a buhay ko na nag-iinvolve sa mga anak ko.. sa entry mong ito, parang bigla kong nakinita ang maaring kahinatnan ng mga anghel ko kung sakaling wala akong magawa...
:(
yanah,
wag kang mawalan ng pag asa lahat ng problema me katapat yang solusyon, pag me dilim may liwanag.
wag ka lng bibitaw sa kanya di ka nya pababayaan..
hala ka pina-iyak mo si yanah... wag kang mag-alala yanah babalikan yang nanay mo na yan..aheks...bati na pla kayo...wag na wori ha?..aayos din ang lahat...
ei angel hindi ko alam kung mawawala pa ang ganyang problema sa lipunan... isa na yata itong kultura sa Pilipinas....nakakalungkot isipin khit mga magaulang mismo ang nagtutulak sa knila upang mahantong sa ganyang kalagayan... hayysss...
Hindi naman natin isisisi lang sa mga magulang ang bagay na ito. Ultimately, sa lahat ng mga ginawa ng Philippine government para makaahon ang mga Pilipino sa kahirapan, saan pa kaya nagkulang ang ating mga leaders?
Post a Comment