ako ay lumaki, sa poder ni lola
dahil nag punta sa abroad, ang aking ina
di naman pwede, sa aking ama
pagka't bata pa lang ako, sya ay pumanaw na

tandang tanda ko pa, ng ako'y iwan sa kanya
mag wawalong taon, at nasa ikalawang grado na
pag ako ay pumapasok, inihahatid pa
at pag sa uwian, sya ay nakaabang na

sinubaybayan nya, ang aking paglaki
inaalagan, at iniintindi
pag ako'y may sakit, di umaalis sa aking tabi
naghihintay sya, hanggang sa ako'y bumuti

lumipas ang taon, at ako' y nagkaisip na
mayroon akong tanong, na gustong ipasagot sa kanya
bakit ang aking ina, ay di ko nakasama
ba't ako lumaki, ng walang balita sa kanya

alam kong di sya handa, sa aking katanungan
pagka't di nya masagot, at napaghandaan
kailangan nyang mag isip, ng konting kasinungalingan
para di ako malungkot, at sa huli'y masaktan

ang kanyang pag mamahal, sa akin ay ipinaramdam
upang sa aking ina, di ako magdamdam
lahat ng pagkukulang, ay kanyang pinunuan
para pagdating ng panahon, tampo ko ay malimutan

lumipas ang maraming taon, umuwi na ang aking ina
gusto nya akong kunin, upang makasama
di ako makapagdesisyon, kaya ako'y nag isip muna
nguni't sa bandang huli, ako ay pumayag na

kay sarap pala, nang buo ang pamilya
iba pala ang pakiramdam, pag magkakasama
may nanay na ako, bunso ate at kuya
at mayroon pa akong, mapagmahal na LOLA


----------------------------------------------
ang tulang ito ay inihahandog ko sa aking mahal
na lola, kahit pumanaw ka ng wala ako sa tabi mo
sana kahit saan ka man naroon maramdaman mo
na mahal na mahal ka ng paborito mong apo.