ano bang meron sa araw na ito?
isa lang naman tanong na alam ko na kahit sino sa atin eh alam ang kasagutan.
ito ang kaarawan ng katulad kong isang manggagawa, na minsan sa isang taon eh
ginagawang pahinga ang araw na ito.
ano ba ang karaniwang ginagawa sa araw na ito?
ang ibang manggagawa eh nagsasama sama sa isang lugar nagba-bonding o di kaya
eh nag pupulong tungkol sa kanilang mga organisasyon or samahan, yung iba nman
eh umuuwi sa kanilang pamilya dahil pagkakataon na nila para makasama. at yung
iba eh pumapasok kc me kailangang tapusin pero overtime pay naman, kung iisipin
natin isang araw lang to pero pwede tayong maraming gawin.
ako! ano ba ang dapat kung gawin sa araw na ito?
as of now wala pa ko naiisip kung ano ang dapat kung gawin kase di ako naka prepare
kc kahapon di pa sure if me pasok kami or wala, marami kase akong nadidinig na baka
daw ipampalit araw yon ng sataurday kc ipit na araw. but at the last min. nagbago ng
isip ng mga bossing namin at ginawang 3 days ang bakasyon namin so in other words
monday na ang balik namin sa work. syempre masaya ako ng nalaman ko yung news
na yon kc bakasyong engrande na naman, pero panandalian lng ang sayang yon kase
biglang naisip ko ano bang ikinabuti ng 3 araw na walang pasok. yes makapagpahinga
nga ako ng 3 days pero pero me kulang pa rin andon yung lungkot, kc wala naman ako
sa PINAS para gawin yung mga nasabi ko sa taas. sarap sana kung andon ako, pwede
akong umuwi sa pamilya ko at makipag bonding sa loob ng 3 araw na bakasyon, pag
naiisip ko ang hirap talaga ng malayo sa kanila, pero ito talaga yata ang kapalit ng medyo
konteng malaking kita kailangang mag sakripisyo. pag naiiisip ko nga yong dati na sa
PINAS pa ko nag tatrabaho maliit lng ang kita tama lng sa pang sarili pangangailangan,pero doon alam ko masaya ako kc nga nakakasama sila sa mahahalagang araw ng buhay ko, kaya lang we need to face the reality na hindi kami pwedeng magsama sama dahil sa hirap ng buhay sa atin. kaya eto ako now..... isa sa mga OFW na nakikipag sapalaran para sa pamilyang umaasa sa akin.
actually di ko naman pinagsisisihan kung naging isa akong manggagawa sa ibang bansa,
thankful nga ako kase malaki ang naitutulong nito sa akin at maging sa family ko, naibibigayko ang kanilang mga needs, at simula ng maging OFW ako marami ng magagandang bagay nabago sa life ko. at bago ko nman na achieve yon eh dumaan ako sa maraming sacrifices,hirap kung paano mapalayo sa pamilya, hirap ng pag me sakit eh walang mag babantay or mag aalaga , hirap ng pag me dumarating na dagok sa buhay eh walang makapitan.minsan nakakaranas ako ng sobrang homesick at gusto ko ng umuwi pero di pwede kciniisip yung pamilya na umaasa.
hirap talaga at alam ko isa lang ako ang me ganitong karanasan, marami na at darami
pa ang makakaranas kase madami pa rin ang umaalis sa ating bansa para makipag
sapalaran dahil sa hirap ng buhay, at good luck na lng sa kanila sana maging maganda
rin ang kanilang mapuntahan..
para sa lahat ng OFW........
kay hirap pala, ang mangibang bansa
lalo't di sanay, mawalay sa pamilya
lagi mo silang, iniisip at inaalala
kung sa paglisan mo, paano na sila
ayaw man natin, sa kanila'y lumayo
nguni't sa hirap ng buhay, tayo ay humayo
upang makatulong, sa kanilang kailangan
di natin alintana, ang kahihinatnan
sa pagsapit natin, sa bansang banyaga
para tayong nangangapa, na tila tulala
natatakot, nag aalala o di kaya'y nangangamba
kung anong buhay ba, sa atin ay nakaamba
pagsapit ng unang, araw sa trabaho
di natin alam, kung pano makihalubilo
dahil sa ibang lengwahe, at estilo
nag tyaga na lang tayo, sa mustra at alerto
hirap ng trabaho, ay di natin alintana
para lng kumita, nang sapat at tama
upang sa pamilya, ay may ipadala
nang kahit paano, sila'y guminhawa
sabi nila, tayo'y isang bayani
dahil sa hirap, at sakripisyong nangyari
ngunit para sa kanila, lahat kayang tiisin
maibigay lamang, ang bawat naisin
siguro nabasa nyo na yang tula na yan kc na eh post ko na yan dati, pero
inulit ko para pag nabasa nyo ang entry ko sa araw na ito ay maramdaman
nyo kung gaano kyo kaimportante sa mundong ito..di lang tayo isang bayani
para sa ating pamilya kung hindi bayani rin tayo sa ating bansa.
para sa lahat ng tulad kong manggagawa, saan mang lugar mapa PINAS or
abroad man....saludo ako sa inyo.
mabuhay tayong lahat........at pag palain tayo ng poong maykapal.
2 comments:
maraming salamat sa paggunita ng isang mahalagang araw para sa mga manggagawa. Maganda ang iyong likhang tula para sa OFW, baka hiramin ko ito minsan bilang suplemento sa aking gagawin na panulat para sa OFW at ibibigay ko sa iyo ang kaukulang kredito sa pagkakataong iyon. Di ko pa masiguro kung kailan subalit magpapasabi ako sa iyo.
Isang mapayapang umaga sa iyo Angel.
POPE
salamat at libre mong mahihiram ang tulang iyan kahit anong oras,
nagawa ko ang tulang yan base sa aking nararamdan at karanasan,
salamat at iyong nagustuhan.:)
Post a Comment