ikaw ang nagbigay, sa akin ng buhay
iyong pinakita, ang mundong makulay
hinubog pinalaki, inalagaang tunay
boung pagmamahal, sa akin ay inalay
maaga kang iniwan, ng aking ama
dahil sa sakit, na ikinamatay nya
di ka nanghina, o nawalan ng pag asa
dahil alam mo, na sayo'y may umaasa
dalawang papel, ang yong ginampanan
naging ina at ama ka, ng ating tahanan
pilit kinaya, at pinaglabanan
ang hirap na dinanas, pati na rin kalungkutan
lahat ng hirap, iyong tiniis
maibigay lang, ang aking nais
kahit kung minsan, ikaw ay naiinis
pilit pa ring pinapakita, ngiti mong kay tamis
wala kang katulad, o aking ina
dito sa aking puso, sadyang nag iisa ka
kahit sa ngayon, di tayo magkasama
lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita
happy mothers day..............
9 comments:
Happy Mother's Day!
gudday!
aww that's a very sweet poem... nde madali ang maging ama at ina at the same time.... kaya naman saludo akoh sa mom moh... Happy Mom's day sa kanyah... Godbless! -di
Hango ba ito sa tunay na buhay? ANg ganda ng tula- may kwento. o",)
happy mother's day
Belated Happy mother's Day sa iyong Inay.
A blessed afternoon, patuloy mo akong pinahahanga sa iyong talino sa paglikha ng mga tula, purihin ka Angel.
bhing
tnx sa pag bati tell ko sa mom ko na binati mo sya :)
tnx sa pagdaan...
dhianz,
your right di madali ang maging isang ina at ama kya nga hanga ako sa mom ko kc kinaya nya and im so
blessed to have her :)
rj,
yeah fr. my story yang poem na yan.
tnx at nagandahan ka :)
lenz,
tnx sa pag bisita :)
pope,
thank you so much sayong papuri
lalo ako ginaganahang gumawa ng tula. belated happy mothers day
misis mo ha pakisabi na lng:)
The most fulfilling job -- and the most difficult, time-consuming, most-demanding -- in the world is being a mom, don't you agree?
I will forever be grateful to all mothers in the world.
They're actually God's angels on earth.
nebz,
i agree to that... thanks:)
naku bakit pa ako napunta dito.. napaluha naman ako dito, meron akong post na ganito sana mabasa mo din malaman mo kung bakit ako umiyak dito sa post mo.
Post a Comment