Napakagala ko talaga at sa sobrang kagalaan ko napakalayo na pala ang narating ko sa paglalakbay, hanggang sa napadpad ako sa tahanan ng isang tao na may kinikimkim na galit sa akin.Di ko naman sinadya pero siguro ginusto ng tadhana na makita ko ang kanyang isinulat at ng sa ganon magkaroon ako ng pag kakataon na magpaliwanag.

Eto ang aking nabasa na sinulat nya,

hindi ko alam kung bakit galit pa din ako sa taong yun. oo. namumuo yung galit ko pag nakikita ko ang pangalan niya! yung para bang umaakyat lahat ng dugo ko sa utak ko! nanlalamig ako at bumibilis ang tibok ng puso ko. kung iisipin dapat wala na yung galit ko sa kanya dahil matagal ng tapos yung mga nangyari. pero bakit ganun? andito pa din at patuloy na namamahay sa kalooban ko.


actually hindi ko naman talaga siya kilala. hindi ko siya dapat husgahan dahil hindi ko pa siya nakakasama at nakikita man lang ng personal. pero may nagsasabi sakin na isang tao na siya daw ay mabait. hindi ko alam kung totoo nga yun dahil sa chat lang naman sila nag-uusap. pero para sakin hindi siya mabait at hindi marunong mag-isip! dahil kung mabait sya iisipin nya muna ang isang bagay bago nya gawin. matanda ka na dapat alam mo kung ano ang kahihinatnan ng isang bagay pag ginawa mo ito. titingnan kung may masasagasaan na ibang tao o wala. dahil wala siyang ibang inisip kundi ang kaligayahan niya. na ok lang na may masaktang ibang tao basta masaya siya...minsan ko siyang nakausap. yun ba ang mabait? i don't think so! sa lahat ng ginawa mo sakin, hindi ko alam kung hanggang kelan yung sakit na dinulot mo sakin. hindi ko alam kung kelan ako makakalimot. dahil hanggat alam kong may ugnayan pa din kayo, hindi maaalis ang galit at inis ko sayo. at hindi ako tanga para maniwala na hindi na kayo nag-uusap pa. siguro nga parang napaka immature ko ngayon dito dahil sa mga sinasabi ko. pero ito ang paraan ko para mailabas ko kung ano man ang nararamdaman ko. pasensya ka na kung sakali man na mabasa mo ito pero yan kase ang nararamdaman ko sau. ok lang kung matawa ka saken o ano. opinyon mo yan at igagalang ko. you are free to leave a comment. pinapanalangin ko nalang na sana maalis na ang galit ko sau dahil ako lang din naman ang nahihirapan.

( ipagpaumanhin mo ang pag kopya ko sa naisulat mo kailangan ko lng gawin :) salamat )

Munti kong paliwanag,

totoo po yon matagal ng nangyari yon akala ko lahat naka move on na, pero na lungkot ako, nag isip, nagdamdam dahil meron pa palang isang tao na still nahihirapan dahil sa nangyari, dahil di pa rin naaalis yong galit sa puso nya.

una humihingi ako sayo ng pasensya, sa sakit na naidulot ko, sa mga oras na napapaiyak ka ng mahal mo dahil sa akin, sa mga oras na nag aaway kayo ng dahil sa akin. dahil tao lng ako isang nilalang na maaaring makagawa ng mali, na maaaring makasakit ng kapwa, na minsan nakakapag isip ng di tama. alam ko nag kamali ako at ayaw ko sanang pagsisihan yon, kase ng mga oras na yon talagang nagmahal ako, at sa mali nga lng panahon at pagkakataon. pero siguro alam mo at alam nating lahat na ang pag ibig pag dumating yan sa isang tao, walang pinipiling lugar, oras, sitwasyon o panahon, kasehodang mali, kasehodang me masaktan, kasehodang me masira at maraming nabibiktima ng ganong pangyayari. At isa na ako, tayo doon, maaaring kaya nangyari yon upang subukin kung gaano katatag, gaano katibay ang inyong relasyon, at ako yung nagamit para subukin kung gaano kaigting yung tali na nag bubuklod sa inyong dalawa.

nasaktan din ako di man sobra sa dinanas mo, pero ipinasa diyos ko na lang dahil alam ko na kaya nangyari lahat yon ay dahil may dahilan. nasaktan tyo parepareho sakit na sa huli pwede namang gamutin at maghilom. isipin mo na lang nasa ating dalawa nananalo ka, na sayo sya napunta hanggang sa huli, na ikaw yong totoo nyang mahal, na ginawa lng akong pampalipas oras, na pinag laruan lng ako ng mahal mo, isipin mo na ang lahat na makakasakit sa akin kung yon ang makakagaan sa loob mo, makakaalis ng galit sa puso mo, at tatanggapin ko yon ng maluwag sa aking dibdib.

sabi mo nga matanda na ako pero di marunong mag isip, inaamin ko ng mga panahon na iyon di talaga ako nag isip dahil tinalo ng puso ko ang aking isip at di kayang maniobrahin ng puso ang aking isipan. sabi mo pa gusto mong alisin yung galit dahil ikaw din lng naman ang nahihirapan, alam ko di basta basta yan mawawala tanging panahon lng ang makapagsasabi. at hangad ko na sana dumating agad yung panahon na yon na makaramdam ka ng pagpapatawad dyan sa puso mo.

" subukan mong magpatawad at makaramdam ka ng kapayapaan at
katahimikan dyan sa puso at isipan mo"

para sayo,

alam ko, di mo ako kayang ituring na isang kaibigan
ito'y aking igagalang, at nauunawaan
hangad ko, ang iyong kabutihan
hangad ko rin, ang yong kapatawaran
at hangad ko ang katahimikan, nating lahat

paunawa:

sa mga makakabasa po nito pasensya na po kayo totoo po ang lahat ng sinasabi ko hindi po iyan isang arte para makuha ang simpatya nyo. iyan po ang tunay na naramdaman ko ng mabasa ko ang isinulat nya, wala akong ibang mapagsabihan kaya minabuti ko na lang na isulat ito sa aking bagong tahanan, hangad ko ang inyong pang unawa, libre din po kayong mag iwan ng komento at ito'y maluwag sa puso ko na tatanggapin.

MARAMI PONG SALAMAT