matagal ng nangyari, gusto ng kalimutan
isang pag ibig, na panandalian
maraming panahon, na pinaglalabanan
bakit ba ang puso'y, hirap turuan
magmahal ba ng mali, ay isang kasalanan
di man ginusto, pero natutunan
pilit mang itama, pero ayaw tantanan
kaya ang puso'y, laging sugatan
pagtingin sa langit, kay daming bituin
bakit ang buhay, ay parang kay dilim
napakabigat dalhin, sa damdamin
ngunit kinakailangan, ito ay pigilin
kay hirap sa dibdib , ang dinadala
lalo't nakaraan, ay naaalala
pilit nililimot, at inaabandona
ngunit kahit anong gawin, wala paring kwenta
parang isang ibon, sa loob ng hawla
gustong lumipad, pero di makaya
di alam ang gagawin, upang makalaya
para makamtan muli, ang tunay na ligaya
7 comments:
Talagang makata ang mga taga-Batangas!
Pakiramdam ko hango sa totoong buhay talaga itong tulang ito, Angel... Ramdam na ramdam ko ang kwento mo.
Wala akong mai-a-advice pagdating sa love-life, mahina ako dyan.
sino ba ang nasa tula? si ano ba?? kalimutan mo na ang nakaraan dahil sarili mo lang ang sinasaktan mo. lalo na kung alam mong hindi ka niya mahal at may mahal siyang iba. wag kang umasa sa isang pangako kung alam mong malabong mangyari ito. wag kang magpadala sa mga matatamis na salita. dahil karamihan jan ay kasinungalingan.
tsaka bakit ganun laging may comma ang tula mo. kelangan ba nun? kase ang alam ko hindi basta basta naglalagay ng comma sa tula unless kelangan talaga.
"kaya ang puso ay, laging sugatan."
-hindi mo kelangan lagyan ng comma sa pagitan ng ay at laging. madami pa. hindi lang yan.
and napansin ko din dun sa isa mong tula na laging may "ako" yung ginawa mo. sa tula kase hindi laging ginagamit ang word na ako. kung isa kang makata at magaling gumawa ng tula, sana marunong ka din intindihin kung ano ang ibig sabihin ng tula at kung paano gumawa nito. hindi ako magaling gumawa ng tula pero marunong naman akong magbasa at tingnan kung tula nga ba ang binabasa ko o hindi.
sorry ha. opinion ko lang yan. wag ka sanang maiinis o magagalit.
Masyadong malungkot naman ang tula, nanaglalayong makalimot sa nakaraan at harapin ang isang bagong pag-asa,
Life is Beautiful.
basta makuha ang damdamin ng nagbabasa yun ang mahalaga tulad nito humanga ako dito. nice post sis
ANONYMOUS,
hmmmm...sino ka ba? kung ikaw yung iniisip ko eto lng masasabi ko.
una,
salamat sa pagdalaw, pagbabasa at sa yong komento kahit medyo humaba hehehe joke lng...
pangalawa,
about sa poem sinulat ko yan base sa king naiisip at di ko sinabi na para sa kin yang tulang yan kc as of now happy ako kung ano mang meron ako sa buhay ko ngayon.
pangatlo,
salamat sa pagpuna mo kung napansin mo gumagamit man ako ng salitang ako kapag ang tula ay patungkol sa kin, tingnan mo yung last kong post di ako gumamit ng salitang ako kc di ginawa ang tulang yan para sa sarili kungdi palaisipan kung para kanino.at tungkol nman sa comma cguro nga me mali ako at kung di man tama sa paningin mo pagpasensyahan mo na lng kc baguhan lng ako at wala pa kong nahahanap na mag eh edit hehehe..
salamat sa opinion mo wag kang mag alala di ako nagagalit or kahit sumama ang loob kc karapatan mo yon pero ang sa akin lng me kanya kanya tyong style nang pagsusulat isipin mo na lng na ganito ang style ko mahilig mag comma para sa sunod na pagbisita mo masasanay ka na.
RJ, POPE, JETTRO,
maraming salamat sa walang sawang pagbisita at pag komento, kung me mali man sa bawat post ko kayo na ang bahalang umintindi. pero sabi nga ni jettro basta makuha ang damdamin ng nagbabasa yun ang mahalaga. salamat :)
god bless you all..

Kasalanan nga ba ang magmahal?
Di ba ang sabi nga dun sa kantang pangsimbahan: 'dakilang pag-ibig saan man manahan...Diyos ay naroroon, walang alinlangan...'
Find someone else better, Angel! That's the only way to move on.
Post a Comment