matagal ng nangyari, gusto ng kalimutan
isang pag ibig, na panandalian
maraming panahon, na pinaglalabanan
bakit ba ang puso'y, hirap turuan

magmahal ba ng mali, ay isang kasalanan
di man ginusto, pero natutunan
pilit mang itama, pero ayaw tantanan
kaya ang puso'y, laging sugatan

pagtingin sa langit, kay daming bituin
bakit ang buhay, ay parang kay dilim
napakabigat dalhin, sa damdamin
ngunit kinakailangan, ito ay pigilin

kay hirap sa dibdib , ang dinadala
lalo't nakaraan, ay naaalala
pilit nililimot, at inaabandona
ngunit kahit anong gawin, wala paring kwenta

parang isang ibon, sa loob ng hawla
gustong lumipad, pero di makaya
di alam ang gagawin, upang makalaya
para makamtan muli, ang tunay na ligaya